1Pagka ikaw ay nauupong kumain na kasalo ng isang pangulo, kilanlin mong maigi siya na nasa harap mo;
1When thou sittest to eat with a ruler, Thou considerest diligently that which [is] before thee,
2At maglagay ka ng sundang sa iyong lalamunan, kung ikaw ay taong bigay sa pagkain.
2And thou hast put a knife to thy throat, If thou [art] a man of appetite.
3Huwag kang mapagnais ng kaniyang mga masarap na pagkain; yamang mga marayang pagkain.
3Have no desire to his dainties, seeing it [is] lying food.
4Huwag kang mainip sa pagyaman; tumigil ka sa iyong sariling karunungan.
4Labour not to make wealth, From thine own understanding cease, Dost thou cause thine eyes to fly upon it? Then it is not.
5Iyo bang itititig ang iyong mga mata sa wala? Sapagka't ang mga kayamanan, ay tunay na nagsisipagpakpak, gaya ng aguila na lumilipad sa dakong langit.
5For wealth maketh to itself wings, As an eagle it flieth to the heavens.
6Huwag mong kanin ang tinapay niya na may masamang mata, ni nasain mo man ang kaniyang mga masarap na pagkain:
6Eat not the bread of an evil eye, And have no desire to his dainties,
7Sapagka't kung ano ang iniisip niya sa loob niya, ay gayon siya: kumain ka at uminom ka, sabi niya sa iyo; nguni't ang puso niya ay hindi sumasaiyo.
7For as he hath thought in his soul, so [is] he, `Eat and drink,` saith he to thee, And his heart [is] not with thee.
8Ang subo na iyong kinain ay iyong isusuka, at iyong iwawala ang iyong mga matamis na salita.
8Thy morsel thou hast eaten thou dost vomit up, And hast marred thy words that [are] sweet.
9Huwag kang magsalita sa pakinig ng mangmang; sapagka't kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
9In the ears of a fool speak not, For he treadeth on the wisdom of thy words.
10Huwag mong baguhin ang dating muhon ng lupa; at huwag mong pasukin ang mga bukid ng ulila:
10Remove not a border of olden times, And into fields of the fatherless enter not,
11Sapagka't ang kanilang Manunubos ay malakas; ipaglalaban niya ang kanilang usap sa iyo.
11For their Redeemer [is] strong, He doth plead their cause with thee.
12Ihilig mo ang iyong puso sa turo, at ang iyong mga pakinig sa mga salita ng kaalaman.
12Bring in to instruction thy heart, And thine ear to sayings of knowledge.
13Huwag mong ipagkait ang saway sa bata: sapagka't kung iyong hampasin siya ng pamalo, siya'y hindi mamamatay.
13Withhold not from a youth chastisement, When thou smitest him with a rod he dieth not.
14Iyong hahampasin siya ng pamalo, at ililigtas mo ang kaniyang kaluluwa sa Sheol.
14Thou with a rod smitest him, And his soul from Sheol thou deliverest.
15Anak ko, kung ang iyong puso ay magpakapantas, ang puso ko'y matutuwa sa makatuwid baga'y ang akin:
15My son, if thy heart hath been wise, My heart rejoiceth, even mine,
16Oo, ang aking puso ay magagalak pagka ang iyong mga labi ay nangagsasalita ng matuwid na mga bagay.
16And my reins exult when thy lips speak uprightly.
17Huwag managhili ang iyong puso sa mga makasalanan: kundi lumagay ka sa Panginoon buong araw:
17Let not thy heart be envious at sinners, But — in the fear of Jehovah all the day.
18Sapagka't tunay na may kagantihan; at ang iyong pagasa ay hindi mahihiwalay.
18For, is there a posterity? Then thy hope is not cut off.
19Makinig ka, anak ko, at ikaw ay magpakapantas, at patnubayan mo ang iyong puso sa daan.
19Hear thou, my son, and be wise, And make happy in the way thy heart,
20Huwag kang mapasama sa mga mapaglango; sa mga mayamong mangangain ng karne:
20Be not thou among quaffers of wine, Among gluttonous ones of flesh,
21Sapagka't ang manglalasing at ang mayamo ay darating sa karalitaan: at ang antok ay magbibihis sa tao ng pagkapulubi.
21For the quaffer and glutton become poor, And drowsiness clotheth with rags.
22Dinggin mo ang iyong ama na naging anak ka, at huwag mong hamakin ang iyong ina kung siya'y tumanda.
22Hearken to thy father, who begat thee, And despise not thy mother when she hath become old.
23Bumili ka ng katotohanan at huwag mong ipagbili: Oo karunungan, at turo, at pag-uunawa.
23Truth buy, and sell not, Wisdom, and instruction, and understanding,
24Ang ama ng matuwid ay magagalak na lubos: at siyang nagkaanak ng pantas na anak ay magagalak sa kaniya.
24The father of the righteous rejoiceth greatly, The begetter of the wise rejoiceth in him.
25Mangatuwa ang iyong ama at ang iyong ina, at magalak siyang nanganak sa iyo.
25Rejoice doth thy father and thy mother, Yea, she that bare thee is joyful.
26Anak ko, ibigay mo sa akin ang iyong puso, at malugod ang iyong mga mata sa aking mga daan.
26Give, my son, thy heart to me, And let thine eyes watch my ways.
27Sapagka't ang isang patutot ay isang malalim na lubak; at ang babaing di kilala ay makipot na lungaw.
27For a harlot [is] a deep ditch, And a strange woman [is] a strait pit.
28Oo, siya'y bumabakay na parang tulisan, at nagdaragdag ng mga magdaraya sa gitna ng mga tao.
28She also, as catching prey, lieth in wait, And the treacherous among men she increaseth.
29Sinong may ay? sinong may kapanglawan? sinong may pakikipagtalo? sinong may daing? sino ang may sugat na walang kadahilanan? sino ang may maningas na mata?
29Who hath wo? who hath sorrow? Who hath contentions? who hath plaint? Who hath wounds without cause? Who hath redness of eyes?
30Silang nangaghihintay sa alak; silang nagsisiyaon upang humanap ng pinaghalong alak.
30Those tarrying by the wine, Those going in to search out mixed wine.
31Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro,
31See not wine when it showeth itself red, When it giveth in the cup its colour, It goeth up and down through the upright.
32Sa huli ay kumakagat ito na parang ahas, at tumutukang parang ulupong.
32Its latter end — as a serpent it biteth, And as a basilisk it stingeth.
33Ang iyong mga mata ay titingin ng mga katuwang bagay, at ang iyong puso ay nagbabadya ng mga magdarayang bagay.
33Thine eyes see strange women, And thy heart speaketh perverse things.
34Oo, ikaw ay magiging parang nahihiga sa gitna ng dagat, o parang nahihiga sa dulo ng isang palo ng sasakyan.
34And thou hast been as one lying down in the heart of the sea, And as one lying down on the top of a mast.
35Kanilang pinalo ako, iyong sasalitain, at hindi ako nasaktan; kanilang hinampas ako, at hindi ko naramdaman: kailan gigising ako? aking hahanapin pa uli.
35`They smote me, I have not been sick, They beat me, I have not known. When I awake — I seek it yet again!`