1Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.
1As snow in summer, and as rain in harvest, So honour [is] not comely for a fool.
2Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.
2As a bird by wandering, as a swallow by flying, So reviling without cause doth not come.
3Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.
3A whip is for a horse, a bridle for an ass, And a rod for the back of fools.
4Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.
4Answer not a fool according to his folly, Lest thou be like to him — even thou.
5Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.
5Answer a fool according to his folly, Lest he be wise in his own eyes.
6Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.
6He is cutting off feet, he is drinking injury, Who is sending things by the hand of a fool.
7Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
7Weak have been the two legs of the lame, And a parable in the mouth of fools.
8Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.
8As one who is binding a stone in a sling, So [is] he who is giving honour to a fool.
9Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.
9A thorn hath gone up into the hand of a drunkard, And a parable in the mouth of fools.
10Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.
10Great [is] the Former of all, And He is rewarding a fool, And is rewarding transgressors.
11Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.
11As a dog hath returned to its vomit, A fool is repeating his folly.
12Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.
12Thou hast seen a man wise in his own eyes, More hope of a fool than of him!
13Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.
13The slothful hath said, `A lion [is] in the way, A lion [is] in the broad places.`
14Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.
14The door turneth round on its hinge, And the slothful on his bed.
15Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.
15The slothful hath hid his hand in a dish, He is weary of bringing it back to his mouth.
16Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.
16Wiser [is] the slothful in his own eyes, Than seven [men] returning a reason.
17Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.
17Laying hold on the ears of a dog, [Is] a passer-by making himself wrath for strife not his own.
18Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan;
18As [one] pretending to be feeble, Who is casting sparks, arrows, and death,
19Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?
19So hath a man deceived his neighbour, And hath said, `Am not I playing?`
20Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.
20Without wood is fire going out, And without a tale-bearer, contention ceaseth,
21Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.
21Coal to burning coals, and wood to fire, And a man of contentions to kindle strife.
22Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.
22The words of a tale-bearer [are] as self-inflicted wounds, And they have gone down [to] the inner parts of the heart.
23Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.
23Silver of dross spread over potsherd, [Are] burning lips and an evil heart.
24Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:
24By his lips doth a hater dissemble, And in his heart he placeth deceit,
25Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:
25When his voice is gracious trust not in him, For seven abominations [are] in his heart.
26Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.
26Hatred is covered by deceit, Revealed is its wickedness in an assembly.
27Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.
27Whoso is digging a pit falleth into it, And the roller of a stone, to him it turneth.
28Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.
28A lying tongue hateth its bruised ones, And a flattering mouth worketh an overthrow!