1Huwag mong ipaghambog ang kinabukasan; Sapagka't hindi mo nalalaman kung ano ang ilalabas ng ibang araw.
1Boast not thyself of to-morrow, For thou knowest not what a day bringeth forth.
2Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.
2Let another praise thee, and not thine own mouth, A stranger, and not thine own lips.
3Ang bato ay mabigat, at ang buhangin ay matimbang; nguni't ang galit ng mangmang ay lalong mabigat kay sa mga yaon.
3A stone [is] heavy, and the sand [is] heavy, And the anger of a fool Is heavier than they both.
4Poot ay mabagsik, at ang galit ay mamumugnaw, nguni't sinong makatatayo sa harap ng paninibugho?
4Fury [is] fierce, and anger [is] overflowing, And who standeth before jealousy?
5Maigi ang saway na hayag kay sa pagibig na nakukubli.
5Better [is] open reproof than hidden love.
6Tapat ang mga sugat ng kaibigan: nguni't ang mga halik ng kaaway ay malabis.
6Faithful are the wounds of a lover, And abundant the kisses of an enemy.
7Ang busog na tao ay umaayaw sa pulot-pukyutan: nguni't sa gutom na tao ay matamis ang bawa't mapait na bagay.
7A satiated soul treadeth down a honeycomb, And [to] a hungry soul every bitter thing [is] sweet.
8Kung paano ang ibon na gumagala mula sa kaniyang pugad, gayon ang tao na gumagala mula sa kaniyang dako.
8As a bird wandering from her nest, So [is] a man wandering from his place.
9Ang unguento at pabango ay nagpapagalak ng puso: gayon ang katamisan ng kaibigan ng tao na nagbubuhat sa maiging payo.
9Ointment and perfume rejoice the heart, And the sweetness of one`s friend — from counsel of the soul.
10Ang iyong sariling kaibigan at ang kaibigan ng iyong ama, ay huwag mong pabayaan; at huwag kang pumaroon sa bahay ng iyong kapatid sa kaarawan ng iyong kasakunaan: maigi ang kapuwa na malapit kay sa kapatid na malayo.
10Thine own friend, and the friend of thy father, forsake not, And the house of thy brother enter not In a day of thy calamity, Better [is] a near neighbour than a brother afar off.
11Anak ko, ikaw ay magpakadunong, at iyong pasayahin ang aking puso, upang aking masagot siya na tumutuya sa akin.
11Be wise, my son, and rejoice my heart. And I return my reproacher a word.
12Ang taong mabait ay nakakakita ng kasamaan, at nagkukubli: nguni't dinadaanan ng musmos, at naghihirap.
12The prudent hath seen the evil, he is hidden, The simple have passed on, they are punished.
13Kunin mo ang kaniyang kasuutan na nananagot sa di kilala; at tanggapan mo siya ng sanla na nananagot sa babaing di kilala.
13Take his garment, when a stranger hath been surety, And for a strange woman pledge it.
14Siyang nagpapala sa kaniyang kaibigan ng malakas na tinig, na bumabangong maaga sa kinaumagahan, mabibilang na sumpa sa kaniya.
14Whoso is saluting his friend with a loud voice, In the morning rising early, A light thing it is reckoned to him.
15Ang laging tulo sa araw na maulan at ang babaing palatalo ay magkahalintulad:
15A continual dropping in a day of rain, And a woman of contentions are alike,
16Ang magibig pumigil sa kaniya, ay pumipigil sa hangin, at ang kaniyang kanan ay nakakasumpong ng langis.
16Whoso is hiding her hath hidden the wind, And the ointment of his right hand calleth out.
17Ang bakal ay nagpapatalas sa bakal; gayon ang tao ay nagpapatalas sa mukha ng kaniyang kaibigan.
17Iron by iron is sharpened, And a man sharpens the face of his friend.
18Ang nagiingat ng puno ng higos ay kakain ng bunga niyaon; at ang naghihintay sa kaniyang panginoon ay pararangalin.
18The keeper of a fig-tree eateth its fruit, And the preserver of his master is honoured.
19Kung paanong sa tubig ang mukha ay sumasagot sa mukha, gayon ang puso ng tao sa tao.
19As [in] water the face [is] to face, So the heart of man to man.
20Ang Sheol at ang kapahamakan ay hindi nasisiyahan kailan man; at ang mga mata ng tao ay hindi nasisiyahan kailan man.
20Sheol and destruction are not satisfied, And the eyes of man are not satisfied.
21Ang sangagan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto, at ang tao ay nasusubok sa pamamagitan ng kaniyang pagpuri.
21A refining pot [is] for silver, and a furnace for gold, And a man according to his praise.
22Bagaman iyong piitin ang mangmang sa isang piitan na kasama ng pangbayo sa mga bayong trigo, gayon ma'y hindi hihiwalay ang kaniyang kamangmangan sa kaniya.
22If thou dost beat the foolish in a mortar, Among washed things — with a pestle, His folly turneth not aside from off him.
23Magmasipag ka na alamin mo ang kalagayan ng iyong mga kawan, at tingnan mong mabuti ang iyong mga bakahan:
23Know well the face of thy flock, Set thy heart to the droves,
24Sapagka't ang mga kayamanan ay hindi magpakailan man: at namamalagi ba ang putong sa lahat ng sali't saling lahi?
24For riches [are] not to the age, Nor a crown to generation and generation.
25Ang tuyong damo ay pinupulot, at ang sariwang damo ay lumilitaw, at ang mga gugulayin sa mga bundok ay pinipisan.
25Revealed was the hay, and seen the tender grass, And gathered the herbs of mountains.
26Ang mga kordero ay ukol sa iyong kasuutan, at ang mga kambing ay siyang halaga ng bukid:
26Lambs [are] for thy clothing, And the price of the field [are] he-goats,
27At magkakaroon ng kasiyahang gatas ng kambing sa iyong pagkain, sa pagkain ng iyong sangbahayan; at pagkain sa iyong mga alilang babae.
27And a sufficiency of goats` milk [is] for thy bread, For bread to thy house, and life to thy damsels!