1Nang magkagayo'y sumagot si Bildad na Suhita, at nagsabi,
1فاجاب بلدد الشوحي وقال
2Hanggang kailan manghuhuli kayo ng mga salita? Inyong bulayin, at pagkatapos ay magsasalita kami.
2الى متى تضعون اشراكا للكلام. تعقّلوا وبعد نتكلم.
3Bakit kami nangabibilang na parang mga hayop, at naging marumi sa iyong paningin?
3لماذا حسبنا كالبهيمة وتنجسنا في عيونكم.
4Ikaw na nagpapakabagbag sa iyong galit, pababayaan ba ang lupa dahil sa iyo? O babaguhin ba ang bato mula sa kinaroroonan?
4يا ايها المفترس نفسه في غيظه هل لاجلك تخلى الارض او يزحزح الصخر من مكانه
5Oo, ang ilaw ng masama ay papatayin, at ang liyab ng kaniyang apoy ay hindi liliwanag.
5نعم. نور الاشرار ينطفئ ولا يضيء لهيب ناره.
6Ang ilaw ay magdidilim sa kaniyang tolda, at ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
6النور يظلم في خيمته وسراجه فوقه ينطفئ.
7Ang mga hakbang ng kaniyang kalakasan ay mapipigil, at ang kaniyang sariling payo ang magbabagsak sa kaniya.
7تقصر خطوات قوته وتصرعه مشورته.
8Sapagka't siya'y inihagis sa lambat ng kaniyang sariling mga paa, at siya'y lumalakad sa mga silo.
8لان رجليه تدفعانه في المصلاة فيمشي الى شبكة.
9Isang panghuli ang huhuli sa kaniya sa mga sakong. At isang silo ay huhuli sa kaniya.
9يمسك الفخ بعقبه وتتمكن منه الشرك.
10Ang panali ay nakakubli ukol sa kaniya sa lupa, at isang patibong na ukol sa kaniya ay nasa daan.
10مطمورة في الارض حبالته ومصيدته في السبيل.
11Mga kakilabutan ay tatakot sa kaniya sa lahat ng dako, at hahabol sa kaniya sa kaniyang mga sakong.
11ترهبه اهوال من حوله وتذعره عند رجليه.
12Ang kaniyang kalakasan ay manglalata sa gutom, at ang kapahamakan ay mahahanda sa kaniyang tagiliran.
12تكون قوته جائعة والبوار مهيأ بجانبه.
13Susupukin ang mga sangkap ng kaniyang katawan, Oo, lalamunin ng panganay ng kamatayan ang kaniyang mga sangkap.
13ياكل اعضاء جسده يأكل اعضاءه بكر الموت.
14Siya'y ilalabas sa kaniyang tolda na kaniyang tinitiwalaan; at siya'y dadalhin sa hari ng mga kakilabutan.
14ينقطع عن خيمته عن اعتماده ويساق الى ملك الاهوال.
15Tatahan sa kaniyang tolda yaong di niya kaanoano: azufre ay makakalat sa kaniyang tahanan.
15يسكن في خيمته من ليس له. يذر على مربضه كبريت.
16Ang kaniyang mga ugat ay mangatutuyo sa ilalim, at sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang sanga.
16من تحت تيبس اصوله ومن فوق يقطع فرعه.
17Ang alaala sa kaniya ay mawawala sa lupa, at siya'y mawawalan ng pangalan sa lansangan.
17ذكره يبيد من الارض ولا اسم له على وجه البر.
18Siya'y ihahatid sa kadiliman mula sa liwanag, at itatapon sa labas ng sanglibutan.
18يدفع من النور الى الظلمة ومن المسكونة يطرد.
19Siya'y hindi magkakaroon kahit anak, ni anak man ng anak sa gitna ng kaniyang bayan, ni anomang nalabi sa kaniyang pinakipamayanan.
19لا نسل ولا عقب له بين شعبه ولا شارد في محاله.
20Silang nagsisidating pagkatapos ay mangatitigilan sa kaniyang kaarawan, gaya ng nangauna na nangatakot.
20يتعجب من يومه المتأخرون ويقشعر الاقدمون.
21Tunay na ganyan ang mga tahanan ng mga liko, at ito ang kalalagyan niya na hindi nakakakilala sa Dios.
21انما تلك مساكن فاعلي الشر وهذا مقام من لا يعرف الله