Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Job

30

1Nguni't ngayo'y silang bata kay sa akin ay nagsisitawa sa akin, na ang mga magulang ay di ko ibig na malagay na kasama ng mga aso ng aking kawan.
1واما الآن فقد ضحك علي اصاغري اياما الذين كنت استنكف من ان اجعل آبائهم مع كلاب غنمي.
2Oo, ang kalakasan ng kanilang kamay, sa ano ko mapapakinabangan? Mga taong ang kalusugan ng gulang ay lumipas na.
2قوة ايديهم ايضا ما هي لي. فيهم عجزت الشيخوخة.
3Sila'y lata sa pangangailangan at sa kagutom; kanilang nginangata ang tuyong lupa, sa kadiliman ng kasalatan at kapahamakan.
3في العوز والمحل مهزولون عارقون اليابسة التي هي منذ امس خراب وخربة.
4Sila'y nagsisibunot ng mga malvas sa tabi ng mabababang punong kahoy; at ang mga ugat ng enebro ay siyang kanilang pinakapagkain.
4الذين يقطفون الملاح عند الشيح واصول الرّتم خبزهم.
5Sila'y pinalayas mula sa gitna ng mga tao; sila'y sumisigaw sa likuran nila, na gaya ng sa likuran ng isang magnanakaw.
5من الوسط يطردون. يصيحون عليهم كما على لص.
6Upang sila'y magsitahan sa nakatatakot na mga libis, sa mga puwang ng lupa, at ng mga bato.
6للسكن في اودية مرعبة وثقب التراب والصخور.
7Sa gitna ng mabababang punong kahoy ay nagsisiangal; sa ilalim ng mga tinikan ay nangapipisan.
7بين الشيح ينهقون. تحت العوسج ينكبّون.
8Mga anak ng mga mangmang, oo, mga anak ng mga walang puring tao; sila'y mga itinapon mula sa lupain.
8ابناء الحماقة بل ابناء اناس بلا اسم سيطوا من الارض
9At ngayon ay naging kantahin nila ako, Oo, ako'y kasabihan sa kanila.
9اما الآن فصرت اغنيتهم واصبحت لهم مثلا.
10Kanilang kinayayamutan ako, nilalayuan nila ako, at hindi sila nagpipigil ng paglura sa aking mukha.
10يكرهونني. يبتعدون عني وامام وجهي لم يمسكوا عن البسق.
11Sapagka't kinalag niya ang kaniyang panali, at pinighati ako, at kanilang inalis ang paningkaw sa harap ko.
11لانه اطلق العنان وقهرني فنزعوا الزمام قدامي.
12Sa aking kanan ay tumatayo ang tanga; itinutulak nila ang aking mga paa, at kanilang pinapatag laban sa akin ang kanilang mga paraan ng paghamak.
12عن اليمين الفروخ يقومون يزيحون رجلي ويعدّون عليّ طرقهم للبوار.
13Kanilang sinisira ang aking landas, kanilang isinusulong ang aking kapahamakan, mga taong walang tumulong.
13افسدوا سبلي. اعانوا على سقوطي. لا مساعد عليهم.
14Tila dumarating sila sa isang maluwang na pasukan: sa gitna ng kasiraan ay nagsisigulong sila.
14ياتون كصدع عريض. تحت الهدّة يتدحرجون.
15Mga kakilabutan ay dumadagan sa akin, kanilang tinatangay ang aking karangalan na gaya ng hangin; at ang aking kaginhawahan ay napaparam na parang alapaap.
15انقلبت عليّ اهوال. طردت كالريح نعمتي فعبرت كالسحاب سعادتي
16At ngayo'y nanglulupaypay ang aking kaluluwa sa loob ko; mga kaarawan ng pagkapighati ay humawak sa akin.
16فالآن انهالت نفسي عليّ واخذتني ايام المذلّة.
17Sa gabi ay nagaantakan ang aking mga buto, at ang mga antak na nagpapahirap sa akin ay hindi nagpapahinga.
17الليل ينخر عظامي فيّ وعارقيّ لا تهجع.
18Sa matinding karahasan ng aking sakit ay nagiging katuwa ang aking suot: tumatali sa akin sa palibot na gaya ng leeg ng aking baro.
18بكثرة الشدة تنكّر لبسي. مثل جيب قميصي حزمتني.
19Inihahagis niya ako sa banlik, at ako'y naging parang alabok at mga abo.
19قد طرحني في الوحل فاشبهت التراب والرماد.
20Ako'y dumadaing sa iyo, at hindi mo ako sinasagot: ako'y tumatayo, at minamasdan mo ako.
20اليك اصرخ فما تستجيب لي. اقوم فما تنتبه اليّ.
21Ikaw ay naging mabagsik sa akin: sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong kamay ay hinahabol mo ako.
21تحولت الى جاف من نحوي. بقدرة يدك تضطهدني.
22Itinataas mo ako sa hangin, pinasasakay mo ako roon; at tinutunaw mo ako sa bagyo.
22حملتني اركبتني الريح وذوبتني تشوها.
23Sapagka't talastas ko na iyong dadalhin ako sa kamatayan, at sa bahay na takda sa lahat na may buhay.
23لاني اعلم انك الى الموت تعيدني والى بيت ميعاد كل حيّ.
24Gayon man ang isa ay di ba naguunat ng kamay sa kaniyang pagkahulog? O sa kaniyang kasakunaan kung kaya sisigaw ng tulong?
24ولكن في الخراب ألا يمد يدا. في البليّة ألا يستغيث عليها
25Hindi ko ba iniyakan yaong nasa kabagabagan? Hindi ba ang aking kaluluwa ay nakikidamay sa mapagkailangan?
25ألم ابك لمن عسر يومه. ألم تكتئب نفسي على المسكين.
26Pagka ako'y humahanap ng mabuti, ang kasamaan nga ang dumarating: at pagka ako'y naghihintay ng liwanag ay kadiliman ang dumarating.
26حينما ترجيت الخير جاء الشر. وانتظرت النور فجاء الدجى.
27Ang aking puso'y nababagabag at walang pahinga; mga araw ng kapighatian ay dumating sa akin.
27امعائي تغلي ولا تكف. تقدمتني ايام المذلة.
28Ako'y yumayaong tumatangis na walang araw; ako'y tumatayo sa kapulungan at humihinging tulong.
28اسوددت لكن بلا شمس. قمت في الجماعة اصرخ.
29Ako'y kapatid ng mga chakal, at mga kasama ng mga avestruz.
29صرت اخا للذئاب وصاحبا لرئال النعام.
30Ang aking balat ay maitim, at natutuklap, at ang aking mga buto ay nagpapaltos.
30حرش جلدي عليّ وعظامي احترّت من الحرارة فيّ.
31Kaya't ang aking alpa ay naging panangis, at ang aking flauta ay naging tinig ng umiiyak.
31صار عودي للنوح ومزماري لصوت الباكين