1Nang magkagayo'y sumagot si Job at nagsabi,
1فاجاب ايوب وقال
2Oh timbangin nawa ang aking pagkainip, at ang aking mga kasakunaan ay malagay sa mga timbangan na magkakasama.
2ليت كربي وزن ومصيبتي رفعت في الموازين جميعها.
3Sapagka't ngayo'y magiging lalong mabigat kay sa buhangin sa mga dagat: kaya't ang aking pananalita ay napabigla.
3لانها الآن اثقل من رمل البحر. من اجل ذلك لغا كلامي.
4Sapagka't ang mga palaso ng Makapangyarihan sa lahat ay nasasaksak sa akin, ang lason niyaon ay hinitit ng aking diwa; ang mga pangkilabot ng Dios ay nangahahanay laban sa akin.
4لان سهام القدير فيّ وحمتها شاربة روحي. اهوال الله مصطفة ضدي.
5Umuungal ba ang mailap na asno pag may damo? O umuungal ba ang baka sa kaniyang pagkain?
5هل ينهق الفراء على العشب او يخور الثور على علفه.
6Makakain ba ng walang asin ang matabang? O mayroon bang lasa ang puti ng isang itlog?
6هل يؤكل المسيخ بلا ملح او يوجد طعم في مرق البقلة.
7Tinatanggihang hipuin ng aking kaluluwa; mga karumaldumal na pagkain sa akin.
7ما عافت نفسي ان تمسّها هذه صارت مثل خبزي الكريه
8Oh mangyari nawa ang aking kahilingan; at ipagkaloob nawa sa akin ng Dios ang bagay na aking minimithi!
8يا ليت طلبتي تاتي ويعطيني الله رجائي.
9Sa makatuwid baga'y kalugdan nawa ng Dios na pisain ako; na bitawan ang kaniyang kamay, at ihiwalay ako!
9ان يرضى الله بان يسحقني ويطلق يده فيقطعني.
10Kung magkagayo'y magtataglay pa ako ng kaaliwan; Oo, ako'y makapagbabata sa mga walang awang sakit; sapagka't hindi ko itinakuwil ang mga salita ng Banal.
10فلا تزال تعزيتي وابتهاجي في عذاب لا يشفق اني لم اجحد كلام القدوس.
11Ano ang aking lakas, na ako'y maghihintay? At ano ang aking wakas na ako'y magtitiis?
11ما هي قوتي حتى انتظر وما هي نهايتي حتى اصبّر نفسي.
12Ang akin bang tibay ay tibay ng mga bato? O ang akin bang laman ay tanso?
12هل قوتي قوة الحجارة. هل لحمي نحاس.
13Di ba ako'y walang sukat na kaya, at ang karunungan ay lumayo sa akin?
13ألا انه ليست فيّ معونتي والمساعدة مطرودة عني
14Siyang nanglulupaypay ay dapat pagpakitaang loob ng kaniyang kaibigan; kahit siya na walang takot sa Makapangyarihan sa lahat.
14حق المحزون معروف من صاحبه وان ترك خشية القدير.
15Ang aking mga kapatid ay nagsipagdaya na parang batis, na parang daan ng mga batis na nababago;
15اما اخواني فقد غدروا مثل الغدير. مثل ساقية الوديان يعبرون.
16Na malabo dahil sa hielo, at siyang kinatunawan ng nieve:
16التي هي عكرة من البرد ويختفي فيها الجليد.
17Paginit ay nawawala: pagka mainit, ay nangatutunaw sa kanilang dako.
17اذا جرت انقطعت. اذا حميت جفت من مكانها.
18Ang mga pulutong na naglalakbay sa pagsunod sa mga yaon ay nangaliligaw; nagsisilihis sa ilang at nawawala.
18يعرّج السّفر عن طريقهم يدخلون التيه فيهلكون.
19Minasdan ng mga pulutong na mula sa Tema, hinintay ang mga yaon ng mga pulutong na mula sa Seba.
19نظرت قوافل تيماء. سيارة سبأ رجوها.
20Sila'y nangapahiya, sapagka't sila'y nagsiasa; sila'y nagsiparoon at nangatulig.
20خزوا في ما كانوا مطمئنين. جاءوا اليها فخجلوا.
21Sapagka't ngayon, kayo'y nauwi sa wala; kayo'y nangakakakita ng kakilabutan, at nangatatakot.
21فالآن قد صرتم مثلها. رايتم ضربة ففزعتم.
22Sinabi ko baga: Bigyan mo ako? O, Maghandog ka ng isang kaloob sa akin ng iyong pag-aari?
22هل قلت اعطوني شيئا او من مالكم ارشوا من اجلي.
23O, Iligtas mo ako sa kamay ng kaaway? O, tubusin mo ako sa kamay ng mga namimighati?
23او نجوني من يد الخصم او من يد العتاة افدوني.
24Turuan mo ako, at ako'y mamamayapa; at ipaunawa mo sa akin kung ano ang aking pinagkasalahan.
24علموني فانا اسكت. وفهموني في اي شيء ضللت.
25Pagkatindi nga ng mga salita ng katuwiran! Nguni't anong sinasaway ng iyong pakikipagtalo?
25ما اشد الكلام المستقيم واما التوبيخ منكم فعلى ماذا يبرهن.
26Iniisip ba ninyong sumaway ng mga salita? Dangang ang mga salita ng walang inaasahan ay parang hangin.
26هل تحسبون ان توبخوا كلمات. وكلام اليائس للريح.
27Oo, kayo'y magsasapalaran sa ulila, at ginawa ninyong kalakal ang inyong kaibigan.
27بل تلقون على اليتيم وتحفرون حفرة لصاحبكم.
28Ngayon nga'y kalugdan mong lingapin ako; sapagka't tunay na hindi ako magbubulaan sa iyong harap.
28والآن تفرسوا فيّ. فاني على وجوهكم لا اكذب.
29Kayo'y magsibalik isinasamo ko sa inyo, huwag magkaroon ng kalikuan; Oo, kayo'y magsibalik uli, ang aking usap ay matuwid.
29ارجعوا. لا يكوننّ ظلم. ارجعوا ايضا. فيه حقي.
30May di ganap ba sa aking dila? Hindi ba makapapansin ang aking pagwawari ng mga suwail na bagay?
30هل في لساني ظلم ام حنكي لا يميّز فسادا