Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Psalms

105

1Oh magpasalamat kayo sa Panginoon, kayo'y magsitawag sa kaniyang pangalan; ipabatid ninyo ang kaniyang mga gawain sa mga bayan.
1احمدوا الرب ادعوا باسمه. عرفوا بين الامم باعماله‎.
2Magsiawit kayo sa kaniya, magsiawit kayo sa kaniya ng mga pagpuri; salitain ninyo ang lahat niyang kagilagilalas na mga gawa.
2‎غنوا له رنموا له. انشدوا بكل عجائبه‎.
3Lumuwalhati kayo sa kaniyang banal na pangalan: mangagalak ang puso nila na nagsisihanap sa Panginoon.
3‎افتخروا باسمه القدوس. لتفرح قلوب الذين يلتمسون الرب
4Hanapin ninyo ang Panginoon at ang kaniyang kalakasan; hanapin ninyo ang kaniyang mukha magpakailan man.
4اطلبوا الرب وقدرته. التمسوا وجهه دائما‎.
5Alalahanin ninyo ang kaniyang kagilagilalas na mga gawa na kaniyang ginawa: ang kaniyang mga kababalaghan at ang mga kahatulan ng kaniyang bibig;
5‎اذكروا عجائبه التي صنع. آياته واحكام فيه
6Oh ninyong binhi ni Abraham na kaniyang lingkod, ninyong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga hirang.
6يا ذرية ابراهيم عبده يا بني يعقوب مختاريه‎.
7Siya ang Panginoon nating Dios: ang kaniyang mga kahatulan ay nangasa buong lupa.
7‎هو الرب الهنا في كل الارض احكامه‎.
8Kaniyang inalaala ang kaniyang tipan magpakailan man, ang salita na kaniyang iniutos sa libong sali't saling lahi;
8‎ذكر الى الدهر عهده كلاما اوصى به الى الف دور
9Ang tipan na kaniyang ginawa kay Abraham, at ang kaniyang sumpa kay Isaac;
9الذي عاهد به ابراهيم وقسمه لاسحق
10At pinagtibay yaon kay Jacob na pinakapalatuntunan, sa Israel na pinakawalang hanggang tipan:
10فثبته ليعقوب فريضة ولاسرائيل عهدا ابديا
11Na sinasabi, sa iyo'y ibibigay ko ang lupain ng Canaan, ang kapalaran na iyong mana;
11قائلا لك اعطي ارض كنعان حبل ميراثكم‎.
12Nang sila'y kaunti lamang tao sa bilang; Oo, totoong kaunti, at nangakikipamayan doon;
12‎اذ كانوا عددا يحصى قليلين وغرباء فيها‎.
13At sila'y nagsiyaon sa bansa at bansa, mula sa isang kaharian hanggang sa ibang bayan.
13‎ذهبوا من امة الى امة من مملكة الى شعب آخر‎.
14Hindi niya tiniis ang sinomang tao na gawan sila ng kamalian; Oo, kaniyang sinaway ang mga hari dahil sa kanila;
14‎فلم يدع انسانا يظلمهم. بل وبخ ملوكا من اجلهم‎.
15Na sinasabi, Huwag ninyong galawin ang mga pinahiran ko ng langis. At huwag ninyong gawan ng masama ang mga propeta ko.
15‎قائلا لا تمسوا مسحائي ولا تسيئوا الى انبيائي‎.
16At siya'y nagdala ng kagutom sa lupain; kaniyang binali ang buong tukod ng tinapay.
16‎دعا بالجوع على الارض كسر قوام الخبز كله‎.
17Siya'y nagsugo ng isang lalake sa unahan nila; si Jose ay naipagbiling pinakaalipin:
17‎ارسل امامهم رجلا. بيع يوسف عبدا‎.
18Ang kaniyang mga paa ay sinaktan nila ng mga pangpangaw; siya'y nalagay sa mga tanikalang bakal:
18‎آذوا بالقيد رجليه. في الحديد دخلت نفسه
19Hanggang sa panahon na nangyari ang kaniyang salita; tinikman siya ng salita ng Panginoon.
19الى وقت مجيء كلمته. قول الرب امتحنه‎.
20Ang hari ay nagsugo, at pinawalan siya; sa makatuwid baga'y ang pinuno ng mga bayan, at pinalaya niya siya.
20‎ارسل الملك فحله. ارسل سلطان الشعب فاطلقه‎.
21Ginawa niya siyang panginoon sa kaniyang bahay, at pinuno sa lahat niyang pag-aari:
21‎اقامه سيدا على بيته ومسلطا على كل ملكه
22Upang talian ang kaniyang mga pangulo sa kaniyang kaligayahan, at turuan ang kaniyang mga kasangguni ng karunungan.
22ليأسر رؤساءه حسب ارادته ويعلم مشايخه حكمة‎.
23Si Israel naman ay nasok sa Egipto; at si Jacob ay nakipamayan sa lupain ng Cham.
23‎فجاء اسرائيل الى مصر ويعقوب تغرب في ارض حام
24At kaniyang pinalagong mainam ang kaniyang bayan, at pinalakas sila kay sa kanilang mga kaaway.
24جعل شعبه مثمرا جدا واعزه على اعدائه
25Kaniyang pinapanumbalik ang kanilang puso upang mangagtanim sa kaniyang bayan, upang magsigawang may katusuhan sa kaniyang mga lingkod.
25حول قلوبهم ليبغضوا شعبه ليحتالوا على عبيده‎.
26Kaniyang sinugo si Moises na kaniyang lingkod, at si Aaron na kaniyang hirang.
26‎ارسل موسى عبده وهرون الذي اختاره‎.
27Kanilang inilagay sa gitna nila ang kaniyang mga tanda, at mga kababalaghan sa lupain ng Cham.
27‎اقاما بينهم كلام آياته وعجائب في ارض حام‎.
28Siya'y nagsugo ng mga kadiliman, at nagpadilim; at sila'y hindi nagsipanghimagsik laban sa kaniyang mga salita.
28‎ارسل ظلمة فاظلمت ولم يعصوا كلامه‎.
29Kaniyang pinapaging dugo ang kanilang tubig, at pinatay ang kanilang mga isda.
29‎حول مياههم الى دم وقتل اسماكهم‎.
30Ang kanilang lupain ay binukalan ng mga palaka, sa mga silid ng kanilang mga hari.
30‎افاضت ارضهم ضفادع. حتى في مخادع ملوكهم‎.
31Siya'y nagsalita, at dumating ang mga pulutong na mga langaw, at kuto sa lahat ng kanilang mga hangganan.
31‎أمر فجاء الذبان والبعوض في كل تخومهم‎.
32Ibinigay niya sa kanila na pinakaulan ay graniso, at liyab ng apoy sa kanilang lupain.
32‎جعل امطارهم بردا ونارا ملتهبة في ارضهم‎.
33Sinaktan naman niya ang kanilang mga puno ng ubas, at ang kanilang mga puno ng higos; at binali ang mga punong kahoy ng kanilang mga hangganan.
33‎ضرب كرومهم وتينهم وكسر كل اشجار تخومهم‎.
34Siya'y nagsalita at ang mga balang ay nagsidating, at ang mga higad, ay yao'y walang bilang,
34‎امر فجاء الجراد وغوغاء بلا عدد
35At kinain ang lahat na gugulayin sa kanilang lupain, at kinain ang bunga ng kanilang lupa.
35فأكل كل عشب في بلادهم. وأكل اثمار ارضهم‎.
36Sinaktan din niya ang lahat na panganay sa kanilang lupain, ang puno ng lahat nilang kalakasan.
36‎قتل كل بكر في ارضهم. اوائل كل قوتهم‎.
37At kaniyang inilabas sila na may pilak at ginto: at hindi nagkaroon ng mahinang tao sa kaniyang mga lipi.
37‎فاخرجهم بفضة وذهب ولم يكن في اسباطهم عاثر‎.
38Natuwa ang Egipto nang sila'y magsialis; sapagka't ang takot sa kanila ay nahulog sa kanila.
38‎فرحت مصر بخروجهم لان رعبهم سقط عليهم
39Kaniyang inilatag ang ulap na pinakakubong; at apoy upang magbigay liwanag sa gabi,
39بسط سحابا سجفا ونارا لتضيء الليل‎.
40Sila'y nagsihingi, at dinalhan niya ng mga pugo, at binusog niya sila ng pagkain na mula sa langit.
40‎سألوا فاتاهم بالسلوى وخبز السماء اشبعهم‎.
41Kaniyang ibinuka ang bato at binukalan ng tubig; nagsiagos sa tuyong mga dako na parang ilog.
41‎شق الصخرة فانفجرت المياه. جرت في اليابسة نهرا‎.
42Sapagka't kaniyang naalaala ang kaniyang banal na salita, at si Abraham na kaniyang lingkod.
42‎لانه ذكر كلمة قدسه مع ابراهيم عبده
43At kaniyang inilabas ang kaniyang bayan na may kagalakan, at ang kaniyang hirang na may awitan.
43فاخرج شعبه بابتهاج ومختاريه بترنم‎.
44At ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; at kinuha nila ang gawa ng mga bayan na pinakaari:
44‎واعطاهم اراضي الامم. وتعب الشعوب ورثوه‎.
45Upang kanilang maingatan ang kaniyang mga palatuntunan, at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin ninyo ang Panginoon.
45‎لكي يحفظوا فرائضه ويطيعوا شرائعه. هللويا