Tagalog 1905

الكتاب المقدس (Van Dyke)

Psalms

106

1Purihin ninyo ang Panginoon. Oh mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't siya'y mabuti; sapagka't ang kaniyang kagandahang-loob ay magpakailan man.
1هللويا. احمدوا الرب لانه صالح لان الى الابد رحمته‎.
2Sinong makapagbabadya ng mga makapangyarihang gawa ng Panginoon, o makapagpapakilala ng buo niyang kapurihan?
2‎من يتكلم بجبروت الرب من يخبر بكل تسابيحه‎.
3Mapalad silang nangagiingat ng kahatulan, at siyang gumagawa ng katuwiran sa buong panahon.
3‎طوبى للحافظين الحق وللصانع البر في كل حين‎.
4Alalahanin mo ako, Oh Panginoon, ng lingap na iyong ipinagkaloob sa iyong bayan; Oh dalawin mo ako ng iyong pagliligtas:
4‎اذكرني يا رب برضا شعبك. تعهدني بخلاصك‎.
5Upang makita ko ang kaginhawahan ng iyong hirang, upang ako'y magalak sa kasayahan ng iyong bansa, upang ako'y lumuwalhati na kasama ng iyong mana.
5‎لأرى خير مختاريك. لأفرح بفرح أمتك. لأفتخر مع ميراثك
6Kami ay nangagkasala na kasama ng aming mga magulang, kami ay nangakagawa ng kasamaan, kami ay nagsigawa ng masama.
6اخطأنا مع آبائنا اسأنا واذنبنا‎.
7Hindi naunawa ng aming mga magulang ang iyong mga kababalaghan sa Egipto; hindi nila inalaala ang karamihan ng iyong mga kagandahang-loob, kundi naging mapanghimagsik sa dagat, sa makatuwid baga'y sa Dagat na Mapula.
7‎آباؤنا في مصر لم يفهموا عجائبك لم يذكروا كثرة مراحمك فتمردوا عند البحر عند بحر سوف‎.
8Gayon ma'y iniligtas niya sila dahil sa kaniyang pangalan, upang kaniyang maipabatid ang kaniyang matibay na kapangyarihan.
8‎فخلصهم من اجل اسمه ليعرف بجبروته
9Kaniyang sinaway naman ang Dagat na Mapula, at natuyo: sa gayo'y pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman, na parang ilang.
9وانتهر بحر سوف فيبس وسيرهم في اللجج كالبرية‎.
10At iniligtas niya sila sa kamay ng nangagtatanim sa kanila, at tinubos niya sila sa kamay ng kaaway.
10‎وخلّصهم من يد المبغض وفداهم من يد العدو‎.
11At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway: walang nalabi sa kanila kahit isa.
11‎وغطت المياه مضايقيهم واحد منهم لم يبق
12Nang magkagayo'y sinampalatayanan nila ang kaniyang mga salita; inawit nila ang kaniyang kapurihan.
12فآمنوا بكلامه. غنوا بتسبيحه‎.
13Nilimot nilang madali ang kaniyang mga gawa; hindi sila naghintay sa kaniyang payo:
13‎اسرعوا فنسوا اعماله. لم ينتظروا مشورته‎.
14Kundi nagnais ng di kawasa sa ilang, at tinukso ang Dios sa ilang.
14‎بل اشتهوا شهوة في البرية وجربوا الله في القفر‎.
15At binigyan niya sila ng kanilang hiling; nguni't pinangayayat ang kanilang kaluluwa.
15‎فاعطاهم سؤلهم وارسل هزالا في انفسهم‎.
16Kanilang pinanaghilian naman si Moises sa kampamento, at si Aaron na banal ng Panginoon.
16‎وحسدوا موسى في المحلّة وهرون قدوس الرب‎.
17Ang lupa ay bumuka, at nilamon si Dathan, at tinakpan ang pulutong ni Abiram.
17‎فتحت الارض وابتلعت داثان وطبقت على جماعة ابيرام‎.
18At apoy ay nagningas sa kanilang pulutong; sinunog ng liyab ang mga masama,
18‎واشتعلت نار في جماعتهم. اللهيب احرق الاشرار
19Sila'y nagsigawa ng guya sa Horeb, at nagsisamba sa larawang binubo.
19صنعوا عجلا في حوريب وسجدوا لتمثال مسبوك‎.
20Ganito nila pinapagbago ang kanilang kaluwalhatian sa wangis ng baka na kumakain ng damo.
20‎وابدلوا مجدهم بمثال ثور آكل عشب‎.
21Nilimot nila ang Dios na kanilang tagapagligtas, na gumawa ng mga dakilang bagay sa Egipto;
21‎نسوا الله مخلصهم الصانع عظائم في مصر
22Kagilagilalas na mga gawa sa lupain ng Cham, at kakilakilabot na mga bagay sa Dagat na Mapula.
22وعجائب في ارض حام ومخاوف على بحر سوف‎.
23Kaya't sinabi niya, na kaniyang lilipulin sila, kung si Moises na kaniyang hirang ay hindi humarap sa kaniya sa bitak, upang pawiin ang kaniyang poot, upang huwag niyang lipulin sila.
23‎فقال باهلاكهم لولا موسى مختاره وقف في الثغر قدامه ليصرف غضبه عن اتلافهم‎.
24Oo, kanilang hinamak ang maligayang lupain, hindi nila sinampalatayanan ang kaniyang salita;
24‎ورذلوا الارض الشهية. لم يؤمنوا بكلمته‎.
25Kundi nangagsiungol sa kanilang mga tolda, at hindi nangakinig sa tinig ng Panginoon.
25‎بل تمرمروا في خيامهم. لم يسمعوا لصوت الرب‎.
26Kaya't kaniyang isinumpa sa kanila, na kaniyang ibubulid sila sa ilang:
26‎فرفع يده عليهم ليسقطهم في البرية
27At kaniyang ibubulid ang kanilang binhi sa mga bansa, at pangalatin sila sa mga lupain.
27وليسقط نسلهم بين الامم وليبددهم في الاراضي‎.
28Sila'y nangakilakip naman sa diosdiosang Baal-peor, at nagsikain ng mga hain sa mga patay.
28‎وتعلقوا ببعل فغور واكلوا ذبائح الموتى‎.
29Ganito minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga gawa; at ang salot ay lumitaw sa kanila.
29‎واغاظوه باعمالهم فاقتحمهم الوبأ‎.
30Nang magkagayo'y tumayo si Phinees, at gumawa ng kahatulan: at sa gayo'y tumigil ang salot.
30‎فوقف فينحاس ودان فامتنع الوبأ‎.
31At nabilang sa kaniya na katuwiran, sa lahat ng sali't saling lahi magpakailan man.
31‎فحسب له ذلك برا الى دور فدور الى الابد
32Kanilang ginalit din siya sa tubig ng Meriba, na anopa't naging masama kay Moises dahil sa kanila:
32واسخطوه على ماء مريبة حتى تأذى موسى بسببهم‎.
33Sapagka't sila'y mapanghimagsik laban sa kaniyang diwa, at siya'y nagsalita ng walang pakundangan ng kaniyang mga labi.
33‎لانهم امرّوا روحه حتى فرط بشفتيه‎.
34Hindi nila nilipol ang mga bayan, gaya ng iniutos ng Panginoon sa kanila;
34‎لم يستأصلوا الامم الذين قال لهم الرب عنهم
35Kundi nangakihalo sa mga bansa, at nangatuto ng kanilang mga gawa:
35بل اختلطوا بالامم وتعلموا اعمالهم
36At sila'y nangaglingkod sa kanilang mga diosdiosan; na naging silo sa kanila:
36وعبدوا اصنامهم فصارت لهم شركا‎.
37Oo, kanilang inihain ang kanilang mga anak na lalake at babae sa mga demonio,
37‎وذبحوا بنيهم وبناتهم للاوثان
38At nagbubo ng walang salang dugo, sa makatuwid baga'y ng dugo ng kanilang mga anak na lalake at babae, na kanilang inihain sa diosdiosan ng Canaan; at ang lupain ay nadumhan ng dugo.
38واهرقوا دما زكيا دم بنيهم وبناتهم الذين ذبحوهم لاصنام كنعان وتدنست الارض بالدماء
39Ganito sila nagpakahawa sa kanilang mga gawa, at nagsiyaong nagpakarumi sa kanilang mga gawa.
39وتنجسوا باعمالهم وزنوا بافعالهم‎.
40Kaya't nagalab ang pagiinit ng Panginoon laban sa kaniyang bayan, at kinayamutan niya ang kaniyang pamana.
40‎فحمي غضب الرب على شعبه وكره ميراثه‎.
41At ibinigay niya sila sa kamay ng mga bansa; at silang nangagtatanim sa kanila ay nangagpuno sa kanila.
41‎واسلمهم ليد الامم وتسلط عليهم مبغضوهم‎.
42Pinighati naman sila ng kanilang mga kaaway, at sila'y nagsisuko sa kanilang kamay.
42‎وضغطهم اعداؤهم فذلوا تحت يدهم
43Madalas na iligtas niya sila; nguni't sila'y mapanghimagsik sa kanilang payo, at nangababa sila sa kanilang kasamaan.
43مرات كثيرة انقذهم. اما هم فعصوه بمشورتهم وانحطوا باثمهم
44Gayon ma'y nilingap niya ang kanilang kahirapan, nang kaniyang marinig ang kanilang daing:
44فنظر الى ضيقهم اذ سمع صراخهم‏
45At kaniyang inalaala sa kanila ang kaniyang tipan, at nagsisi ayon sa karamihan ng kaniyang mga kagandahang-loob.
45وذكر لهم عهده وندم حسب كثرة رحمته‎.
46Ginawa naman niyang sila'y kaawaan niyaong lahat na nangagdalang bihag sa kanila.
46‎واعطاهم نعمة قدام كل الذين سبوهم‎.
47Iligtas mo kami, Oh Panginoon naming Dios, at pisanin mo kami na mula sa mga bansa, upang mangagpasalamat sa iyong banal na pangalan, at mangagtagumpay sa iyong kapurihan.
47‎خلّصنا ايها الرب الهنا واجمعنا من بين الامم لنحمد اسم قدسك ونتفاخر بتسبيحك‎.
48Purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, mula sa walang pasimula hanggang sa walang hanggan. At sabihin ng buong bayan, Siya nawa. Purihin ninyo ang Panginoon.
48‎مبارك الرب اله اسرائيل من الازل والى الابد. ويقول كل الشعب آمين. هللويا