1Kay iinam ng iyong mga tabernakulo, Oh Panginoon ng mga hukbo!
1لامام المغنين على الجتية. لبني قورح. مزمور. ما احلى مساكنك يا رب الجنود.
2Ang kaluluwa ko'y aasamasam, oo, nanglulupaypay sa mga looban ng Panginoon; ang puso ko't laman ay dumadaing sa buhay na Dios.
2تشتاق بل تتوق نفسي الى ديار الرب. قلبي ولحمي يهتفان بالاله الحي.
3Oo, ang maya ay nakasumpong ng bahay, at ang langaylangayan ay nagpugad para sa kaniya, na mapaglalapagan niya ng kaniyang inakay, sa makatuwid baga'y iyong mga dambana, Oh Panginoon ng mga hukbo, Hari ko, at Dios ko.
3العصفور ايضا وجد بيتا والسنونة عشّا لنفسها حيث تضع افراخها مذابحك يا رب الجنود ملكي والهي.
4Mapalad silang nagsisitahan sa iyong bahay: kanilang pupurihin kang palagi. (Selah)
4طوبى للساكنين في بيتك ابدا يسبحونك. سلاه
5Mapalad ang tao na ang kalakasan ay nasa iyo; na may mga daan sa kaniyang puso na tungo sa Sion.
5طوبى لاناس عزهم بك. طرق بيتك في قلوبهم.
6Na nagdaraan sa libis ng iyak na ginagawa nilang dako ng mga bukal; Oo, tinatakpan ng pagpapala ng maagang ulan.
6عابرين في وادي البكاء يصيرونه ينبوعا. ايضا ببركات يغطون مورة
7Sila'y nagsisiyaon sa kalakasa't kalakasan, bawa't isa sa kanila ay napakikita sa harap ng Dios sa Sion.
7يذهبون من قوة الى قوة. يرون قدام الله في صهيون
8Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, dinggin mo ang aking dalangin: pakinggan mo, Oh Dios ni Jacob. (Selah)
8يا رب اله الجنود اسمع صلاتي واصغ يا اله يعقوب. سلاه.
9Masdan mo, Oh Dios na aming kalasag, at tingnan mo ang mukha ng iyong pinahiran ng langis.
9يا مجننا انظر يا الله والتفت الى وجه مسيحك.
10Sapagka't isang araw sa iyong mga looban ay mabuti kay sa isang libo. Aking minagaling na maging tagatanod-pinto sa bahay ng aking Dios, kay sa tumahan sa mga tolda ng kasamaan.
10لان يوما واحدا في ديارك خير من الف. اخترت الوقوف على العتبة في بيت الهي على السكن في خيام الاشرار.
11Sapagka't ang Panginoong Dios ay araw at kalasag: ang Panginoo'y magbibigay ng biyaya at kaluwalhatian: hindi siya magkakait ng anomang mabuting bagay sa nagsisilakad ng matuwid.
11لان الرب الله شمس ومجن. الرب يعطي رحمة ومجدا. لا يمنع خيرا عن السالكين بالكمال.
12Oh Panginoon ng mga hukbo, mapalad ang tao na tumitiwala sa iyo.
12يا رب الجنود طوبى للانسان المتكل عليك