1Ang Panginoon ay naghahari: manginig ang mga bayan. Siya'y nauupo sa mga querubin; makilos ang lupa.
1الرب قد ملك. ترتعد الشعوب. هو جالس على الكروبيم. تتزلزل الارض.
2Ang Panginoon ay dakila sa Sion; at siya'y mataas na higit sa lahat ng mga bayan.
2الرب عظيم في صهيون وعال هو على كل الشعوب.
3Purihin nila ang iyong dakila at kakilakilabot na pangalan: siya'y banal.
3يحمدون اسمك العظيم والمهوب. قدوس هو.
4Ang lakas naman ng hari ay umiibig ng kahatulan; ikaw ay nagtatatag ng karampatan, ikaw ay nagsasagawa ng kahatulan at katuwiran sa Jacob.
4وعز الملك ان يحب الحق. انت ثبت الاستقامة انت اجريت حقا وعدلا في يعقوب
5Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa harap ng kaniyang tungtungan; siya'y banal.
5علّوا الرب الهنا واسجدوا عند موطئ قدميه. قدوس هو.
6Si Moises at si Aaron sa gitna ng kaniyang mga saserdote, at si Samuel sa kanila na nagsisitawag sa kaniyang pangalan; sila'y nagsisitawag sa Panginoon, at siya'y sumasagot sa kanila.
6موسى وهرون بين كهنته وصموئيل بين الذين يدعون باسمه. دعوا الرب وهو استجاب لهم.
7Siya'y nagsasalita sa kanila sa haliging ulap: kanilang iniingatan ang kaniyang mga patotoo, at ang palatuntunan na ibinigay niya sa kanila.
7بعمود السحاب كلمهم. حفظوا شهاداته والفريضة التي اعطاهم.
8Sumagot ka sa kanila, Oh Panginoon naming Dios; ikaw ay Dios na nagpatawad sa kanila, bagaman nanghiganti ka sa kanilang mga gawa.
8ايها الرب الهنا انت استجبت لهم. الها غفورا كنت لهم ومنتقما على افعالهم.
9Ibunyi ninyo ang Panginoon nating Dios, at magsisamba kayo sa kaniyang banal na bundok; sapagka't ang Panginoon nating Dios ay banal.
9علّوا الرب الهنا. واسجدوا في جبل قدسه لان الرب الهنا قدوس