Tagalog 1905

World English Bible

Proverbs

7

1Anak ko ingatan mo ang aking mga salita, at impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
1My son, keep my words. Lay up my commandments within you.
2Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka; at ang aking kautusan na parang itim ng iyong mata.
2Keep my commandments and live! Guard my teaching as the apple of your eye.
3Itali mo sa iyong mga daliri; ikintal mo sa iyong puso.
3Bind them on your fingers. Write them on the tablet of your heart.
4Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay aking kapatid na babae; at tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
4Tell wisdom, “You are my sister.” Call understanding your relative,
5Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama; sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
5that they may keep you from the strange woman, from the foreigner who flatters with her words.
6Sapagka't sa dungawan ng aking bahay tumitingin ako sa aking solihia;
6For at the window of my house, I looked out through my lattice.
7At ako'y tumingin sa mga musmos, ako'y nagmasid sa mga may kabataan, sa may kabataang walang bait,
7I saw among the simple ones. I discerned among the youths a young man void of understanding,
8Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok, at siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
8passing through the street near her corner, he went the way to her house,
9Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw, sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
9in the twilight, in the evening of the day, in the middle of the night and in the darkness.
10At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
10Behold, there a woman met him with the attire of a prostitute, and with crafty intent.
11Siya'y madaldal at matigas ang ulo; ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
11She is loud and defiant. Her feet don’t stay in her house.
12Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya, at nagaabang sa bawa't sulok,
12Now she is in the streets, now in the squares, and lurking at every corner.
13Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya, at may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
13So she caught him, and kissed him. With an impudent face she said to him:
14Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin; sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
14“Sacrifices of peace offerings are with me. This day I have paid my vows.
15Kaya't lumabas ako upang salubungin ka, hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
15Therefore I came out to meet you, to diligently seek your face, and I have found you.
16Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda, na yari sa guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
16I have spread my couch with carpets of tapestry, with striped cloths of the yarn of Egypt.
17At aking pinabanguhan ang aking higaan ng mira, mga oleo, at sinamomo.
17I have perfumed my bed with myrrh, aloes, and cinnamon.
18Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan; magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
18Come, let’s take our fill of loving until the morning. Let’s solace ourselves with loving.
19Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay, siya'y naglakbay sa malayo:
19For my husband isn’t at home. He has gone on a long journey.
20Siya'y nagdala ng supot ng salapi; siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
20He has taken a bag of money with him. He will come home at the full moon.”
21Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan ng kaniyang mga matamis na salita, hinihila niya siya ng katabilan ng kaniyang mga labi.
21With persuasive words, she led him astray. With the flattering of her lips, she seduced him.
22Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya, gaya ng toro na naparoroon sa patayan, O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
22He followed her immediately, as an ox goes to the slaughter, as a fool stepping into a noose.
23Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay; gaya ng ibong nagmamadali sa bitag, at hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
23Until an arrow strikes through his liver, as a bird hurries to the snare, and doesn’t know that it will cost his life.
24Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
24Now therefore, sons, listen to me. Pay attention to the words of my mouth.
25Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad, huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
25Don’t let your heart turn to her ways. Don’t go astray in her paths,
26Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat: Oo, lahat niyang pinatay ay isang makapangyarihang hukbo.
26for she has thrown down many wounded. Yes, all her slain are a mighty army.
27Ang kaniyang bahay ay daang patungo sa Sheol. Pababa sa mga silid ng kamatayan.
27Her house is the way to Sheol , going down to the rooms of death.